Kisap-Mata
ni Diana
Ceralde
Dalawang taon
na ang lumipas
Sugat ng kahapo’y di magwakas.
Kahit nahawi na ang mga ulap
Ikaw pa rin ang pinapangarap.
Kinabukasan ay hindi matanaw,
Kasiglahan ay parang ninakaw
Parang nauupos na kandila,
Ibong sa hawla’y di makawala.
Kahapon lang tayo’y magkasama,
Tanging
mababanaag ay saya.
Mga puso nati’y di magkamayaw
Habang lumulubog ang araw.
Sadyang mapaglaro ang tadhana
Ginimbal ng isang masamang balita.
Kailan man ay di
na magtatagpo
Di na masisilayan ang mukha mo.
Ang pangako mo’y aalagaan,
Pero agad din akong nilisan.
Pagmamahalan parang kisap-mata
Ilang saglit lang at agad nawala.
Ang kalangitan ay nangitim
Nag-iisa lamang sa dilim.
Panaghoy ay lalong nagingibabaw,
Apoy sa dibdib ay umaapaw.
Pagkawala mo’y aking kamatayan
Nalunod sa
kumunoy ng kalungkutan.
Unti-unting nawala ang kinang ng tala
Bumuhos ang ulan at patuloy sa pagluha.
Di matakasan multo ng nakaraan,
Hanggang ngayon sa puso’y naninirahan.
Bakit pa pinagtagpo ni kupido?
Tayo rin pala ay magkakalayo.
Sa tuwing ikaw ay napapaginipan
Pagtulo ng luha’y di mapigilan.
Pangalan mo’y laging isinisigaw
Kahit wala na sa mundong ibabaw.
Kahit pantay na ang iyong mga paa,
Hiling ko ay mabasa mo aking tula,
Tulang inaalay ko lamang sa iyo
Unang adan na nagpatibok sa aking puso.
Maestro
ni Diana Ceralde
Nakaupo lamang sa
isang upuan
Binabalikan buhay sa
nakaraan.
Hawak ang patpat at
puting panulat
Habang ang libro ay
binubuklat.
Isang kahig, isang
tuka,
Nakagisna’y asin at
mantika.
Buhay ay malayo sa
kabihasnan
Barya lang ang
kaligayahan.
Maharlika ay
mapanglait
Tingin sa dukha ay
bubwit,
Kaya namutawi sa labi ko,
Bukas di na luluha ng
bato.
Sabi sa pamilya,wag
mag-alala
Akong panganay ang
siyang bahala.
Sipag at tiyaga ang
ipupuhunan
Upang makaahon
sa kahirapan.
Sa umaga’y nagsusunog
ng kilay,
Sa gabi’y naghahanap
buhay.
Hirap at pagod ay di
alintana,
Makuha lang inaasam
na diploma.
Pagkabigo’y wala sa
bokabularyo,
Kahit kamay ay puno
na ng kalyo.
Kahit ilang bagyo ang
dumating,
Rurok ng tagumpay ay
mararating.
Kung iisipin mong
ika’y sawi
Sa buhay ika’y di
magwawagi.
Datapwat sa buhay
maging malakas
Para matanaw ang
magandang bukas.
Binhing itinanim sa
wakas nagbunga,
Ginhawang inaasam
abot-kamay na.
Diplomang nais ay
nakamtan
Kaligayaha’y walang
mapagsidlan,
Unti-unting lumipas ang panahon
At unti-unti ring
umaahon.
Ang dating sadlak sa
hirap
Ngayo’y tumatamasa ng
sarap.
Sa buhay ay di
nagkuskos balungos,
Pagkat alam kong
nariyan ang Diyos.
Ang pamilya ang
naging inspirasyon ko
Ngayo’y mahusay na
mestro sa Filipino.
kahanga hanga ang iyong mga tula binibini..
TumugonBurahinMaraming salamat, ako ay nagagalak at iyong nagustuhan ang aking mga tula. :-)
TumugonBurahinAnong pong fb name nyo mag papatulong lang po sana na gumawa ng tula
TumugonBurahin