Mga Pahina

Lunes, Agosto 13, 2012

Hustiya(isang piyesa para sa monolog)


Hustisya
(isang piyesa para sa monolog)
 Sariling likha ni:Diana J. Ceralde 



Sinulat ko ito dahil kailangan kong magtanghal ng isang monolog sa aming klase. Sana magustuhan niyo ang ginawa kong piyesa. 

Nakita mo ba siya?Nakita mo ba sila?Nasaan siya?Nasaan sila
Alam niyo masaya ang pamumuhay namin ni inay, kahit hindi kami nakatira sa malapalasyong bahay.Dating kasambahay si inay kila mayor, pero umalis siya noong malaman niyang si mayor ang pinuno ng sindikato ng ipinagbabawal na gamot. Mahal na mahal ako  ni inay at gayundin ako sa kanya. Sabi ko kay inay magiging abogada ako balang araw. Ako ang siyang magtatanggol sa mga taong inaapi. Sabi ni inay, mahirap lang daw kami kaya kailangan kong mag-aral mabuti para matupad ang pangarap ko. Huwag muna raw akong magnonobyo hangga’t hindi pa ako natatapos sa pag-aaral. Gusto ni inay makasal ako sa lalaking tunay na magmamahal sa kin. Ayaw niyang matulad ako sa kanya, iniwan siya ni itay nang ipinagbubuntis pa lamang niya ako. Siyempre si inay ang maghahatid sa akin sa altar sa araw ng kasal ko. Marami kaming mga pangarap ni inay pero kailanman hindi na matutupad ang mga pangarap namin.
Parang isang bangungot. Tandang tanda ko pa ang gabing iyon. Mahimbing na tulog ko nang magising ako dahil sa malakas na putok ng baril. Si inay! Nasaan si inay?! Nakita ko si inay sa sala, nakahandusay sa sahig,duguan at hindi na humihinga. Marami sila at armado, kasama nila si mayor.Walang kalaban laban si inay pero pinatay parin nila siya Wala siyang ginawang masama sa inyo!.Wala akong nagawa, mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Huwag po mayor!, huwag po! Maawa po kayo sa akin! Maawa po kayo! Huwag po! Walang hiya sila, dimonyo ka mayor! Hindi pa siya patay pero sinusunog na ang katawan niya sa impyerno. Pinatay niya si inay at binaboy pa niya ako. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang putok ng baril at ang halakhak ni mayor. Hindi ako matulog sa gabi, para akong nauupos na kandila.Inuusig kaya sila ng kanilang konsensya? Nakakatulog pa kaya sila nang mahimbing sa gabi?

Inay, inay! Nagbalik ka inay! Hindi! Hindi ikaw si inay. Patay na si inay. Ba’t mo ako iniwan inay? Ang daya mo naman inay eh, sabi mo ihahatid mo ako sa altar sa araw ng kasal ko. Paano na ako inay? Sana ako na lang, sana ako na lang ang namatay.
Si inay! pssst, huwag kayong maingay natutulog si inay baka magising siya. Lalala ,inay matulog ka lang ah, aalis muna ako, hahanapin ko lang sila.
Nakita mo ba si mayor? Nakita mo ba sila? Nasaan siya? Nasaan sila?  Sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin. Sige, pag di mo sinabi kukurutin kita, sige. Hahahahahaha. Ikaw, oo ikaw, nakita mo ba si mayor ate? Nasaan siya? Nasaan sila? Parang awa mo na oh,sabihin muna sa akin.
 Hustisya lang naman ang hangad ko eh. Pero bakit ganun? Mailap ang hustisya para sa amin ni inay. Dahil ba mahirap lang kami. Paano pa ako magiging abogada kung mismong hustisya para sa amin ni inay hindi ko makuha. Ano ba namang klaseng buhay to oh,, habang nagdurusa ako, nagpapakasaya naman sila. Masama si mayor, masama siya, oo maniwala kayo sa akin. Ba’t ayaw niyo kasing maniwala sa akin. Sino nga ba ang maniniwala sa akin? Ang tingin ng lahat sa akin baliw at ang tingin nila kay mayor santo!.
 Diyos ko, kayo na lang po ang naniniwala sa akin. Diyos ko tulungan niyo po akong makuha ang hustisya para sa amin ni inay. Pagod na pagod na po ako. Hindi ko na po alam ang gagawin.
Inay wag kang mag-alala, makikita ko rin sila. Tutulungan tayo ng diyos makakamit din natin ang hustisya.


(During my presentation) Baliw lang eh


12 komento:

  1. Saan ka nag-aaral noon ate? nice.

    TumugonBurahin
  2. Hello Ate. Maaari ko bang gamitin ang iyong pyesa para sa aming pagtatanghal? Maraming salamat! HAHAH :)

    TumugonBurahin
  3. Ang GANDA .. Pwede ko bang gamitin ito?

    TumugonBurahin
  4. Thank you po sa monologue na ito nagamit ko po ito when I was in SH Grade 12 then I was a big winner and nagamit ko po ito when I was join a Ms. Gay best in talent ... Thank you po sa pyesa na ito. ..

    TumugonBurahin
  5. But na acknowledge ko naman po before ako mag start ... Sana po pwede ko po itong gamitin until now...

    TumugonBurahin
  6. Saan ko po makikita yung video ate ?

    TumugonBurahin
  7. Hello ate humihingi po ako ng pahintulot na pag aralan nag yung pyesa para sa darating na paghahanda sa making sasalihang patimpalak kung maari lamang po ?

    TumugonBurahin
  8. Hi po. May sasalihan po sana akong contest. Maaari ko po bang gamitin ang pyesang ginawa niyo?

    TumugonBurahin
  9. hello po maam. Maaari ko po bang gamitin ang iyong piyesa ?

    TumugonBurahin