Naalala mo pa ba ang unang pagtapak ng iyong mga
paa sa Unibersidad kung saan tayo nagkakilala?
Mamimiss ko ang KKF, ang libre ni Von, ang asaran namin ni kuya Marko, ang Bicol express at Lechon kawali ng La Cantina, ang halakhakan, ang tsibugan sa klase namin sa major, ang pagkukwento ni mam Lanuza at ang makata kong guro na si ginoong Daguison. Mam Lanuza ,sayang wala kayong facebook di niyo tuloy mababasa ito.hehehe. Salamat dahil naniwala kayo sa aking kakayahan at naging ina kayo sa aming mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino. At sorry kung lagi akong late sa major. ...hehehehe. Ginoong Daguison ako ay labis na nagpapasalamat sa inyo pagkat kami ay inyong pinanday. Kayo ay hinahangaan ko pagdating sa pagtuturo dahil tunay naman talaga na kayo ay napakahusay.
Tommorow is the BIG day , yehey graduation na :)))))) Lord thank you for everything .Thank You for giving me wisdom, strength and for guiding me throughout my journey. I also want to express my gratitude to my parents. Thank you for all the sacrifices that you made for me. Thank you because you always there for me especially in financial aspect. hehehehe.. I dedicate my award to GOD and to my parents. And to all my professors, thank you for imparting your knowledge to us. HAPPY GRADUATION :-))))))
Tanda ko pa ang unang araw ko bilang isang
kolehiyala. Maaga akong pumasok, siyempre first day of class kaya excited ako.
Pero lagi na akong late noong mga sumunod na araw.hahahaha. Sa totoo lang
pasaway talaga ako :)))))))))). Hindi naging madali sa akin ang pagtahak sa
kursong aking pinili. Noong una tinatanong ko ang aking sarili, bakit ba
education ang pinili kong kurso gayong noong bata ako ay hindi sumagi sa aking
isipan ang magturo. Parang kailan lang tinanong ni tita kong ano ang kukunin kong
kurso sa kolehiyo. " Dianne antoy laen mun course? man teacher ka?"
tanong ni tita ko. Ageh, agko gabay so manbangat, agko gabay so mansulat ed
blackboard, agko kabay so manggawa ya Lesson Plan. Agko ni antay laen kon
course." ang sagot ko sa kanya. Pero education din pala ang bagsak ko
:)))Pinamili ako nang aking mga magulang kong anong kurso ang kukunin ko at
saan ako mag-aaral. Pwede naman akong magnursing kaso may phobia ako sa dugo at
ayokong magdisect ng palaka. Hindi naman ako pwedeng magCRIMINOLOGY dahil
kulang ako sa height at takot ako sa mga eksenang bugbugan at hahabulin ung
magnanakaw. Accountancy......Marahil ay nakatadhana na talaga na ako'y maging
guro :-)Tulad ng isang normal na estudyante dumaan din ako sa butas ng karayom
bago ko makamit ang tagumpay na aking ninanais. Nariyan ang mga tambak na
gawain na kailangan kong tapusin , mga mahihirap na exams at mga terror na
professor. Aminado ako noong 1st year first sem di talaga ako nag-aaral nang
mabuti. Hindi ako nagrereview at hindi ako masiyadong focus sa studies ko. Pero
nang dumating ang second sem sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong
magseryoso sa pag-aaral, tama na ang sobrang drama kailangan kong pagbutihan
ang lahat.
Mamimiss ko ang College Life!
:( .Marami akong memorable moments sa University of Luzon. Hindi ko
makakalimutan ang unang taon ko sa kolehiyo. Nagchampion ako sa Vocal Solo at
hindi lang yan nagstanding ovation pa ang mga audience during my performance
:-)))))))). Noong second year naman ay sumama ako sa basketball girls. I love
sports eh kaya tuwing intrams sumasama ako sa laro...naalala ko pa noong first
year college ako, sumama kami ni Mau sa table tennis kahit di naman kami ganoon
kagaling. Noong second year din nagkaroon ng 7 wonders of the world sa klase
namin. Hehehehehe. Noong 3rd year naman ay nabuo ang KKF (Kabit Kabit Family).
Mula sa simpleng biruan sa ponsyaan....PONSYAAN TALAGA??hahaha, kina Camiel ay
nabuo ang isang pamilya. Isang pamilya na walang ginawa kundi ang magtraydoran
ng harap harapan..hehehe. Noong 4th year first sem ay nasubukan kong maging
baliw nang ilang minuto noong ako ay nagmonologo. Nasaan siya, nakita mo ba
siya? Nasaaan si mayor?!hahahahah. Siyempre di ko rin makakalimutan ang
pagiging STUDENT TEACHER ko dahil isa ito sa mga nagpakita sa akin na masaya
pala ang maging guro at isa pa nakilala ko si Choco hahaha,,,may ganun???