The post, pictures and videos here are all mine :-) Your comments and suggestions are all welcome. Thanks for visiting my blogsite.Enjoy! :-)
Martes, Disyembre 11, 2012
Biyernes, Disyembre 7, 2012
Pasko na naman :-)
Magpapasko na naman, uso na naman ang
pagkanta ng We wish you a
Merry Christmas at Ang pasko
ay sumapit. Nariyan na naman ang mga batang gabi-gabi nangangaroling sa bawat
bahay. Naglipana na naman ang mga makukulay na parol at ang mga kumukutitap na Christmas
lights sa bawat bahay.(oops, wag kang bumili ng lokal na Christmas lights,
delikado ito, baka masunog ang bahay mo.) Malamang nagtitipid sa kuryente ang
kapitbahay mo kung wala kang makikitang Christmas
lights sa kanilang bahay.
Marahil ay abala na naman ang iba sa pagsasabit ng medyas sa bintana. Umaasa
silang baka magkaroon ito ng laman kinabukasan. Siguradong marami na
namang bata ang nag-aabang kay Santa
Claus at sa kanyang mga
regalong nakalagay sa sakong puti. Nalalapit na naman ang simbang gabi,nanabik
na naman ang mga magkasintahang walang ginawa kundi ang magdate sa loob
at labas ng simbahan sa halip na misa de gallo, ito ay nagiging misa de gala.
Kunwari nakikinig sa sermon ng pari yun naman palay nakikipagharutan sa kanyang
katabi. Nagkalat na naman sa labas ng simbahan ang mga tindera ng puto bumbong
at bibingka. Masaya na naman ang mga inaanak dahil tiyak na may matatanggap
silang aginaldo o regalo sa kanilang mga ninong at ninang.Samantala malas naman
ng mga batang may barat na ninong at ninang. (sensya na sa mga inaanak ko :-),
wala pang trabaho ang ninang niyo.)
Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko?
Ipinagdiriwang natin ang pasko dahil sa ating Panginoon. Siya ang dahilan kung
bakit may pasko :-). Hindi natin ipinagdiriwang ang pasko dahil kay Santa o
dahil sa anumang bagay. Si Jesus lang at wala ng iba pa. Siyempre kung
may Christmas party at
exchange gift eh siguradong
ang bawat isa sa atin ay may Christmas
wish list. Sabi ng iba kapag nakumpleto mo raw ang simbang
gabi tiyak na matutupad ang kahilingan mo. Pero kung ako ang tatanungin, hindi
ako naniniwala. Wala naman silang sapat na basehan dito. Tsaka paano yong mga
taong may sakit at hindi nakapagsimbang gabi? paano yung mga taong hindi
nakapagsimbang gabi dahil may trabaho? Lahat naman ng atiing hilingin ay
maaring matupad basta manalig at maniwala lang tayo sa Diyos :-). Gaya ng ibang
tao mayroon din akong mga hiling. Sana gumaling na ang aking ama at ang
aking kapatid. Sana maging maayos na ang lahat at sana wala ng gulo at
krimen.Sana lahat tayo ay mamuhay nang maligaya at walang galit sa puso. Sana
araw-araw ay pasko :-).Bawal ang negatibong vibes sa pasko, dapat panatilihin nating
maging positibo sa buhay nang sa gayon ay maging maayos ang takbo ng ating pamumuhay.
Mahalin natin ang ating kapwa at tulungan ang mga taong nangangailangan.
Sabi nga nila its better to give than to recieve. Kaya huwag kayong
mag-alinlangan na magbigay sa mga nangangailangan. Teka,,nakabili ka na ba ng
regalo??? nabalutan mo na ba ito?? Ooops,,huwag mong kalilimutan ang regalo ko
ah.. :-). Ngayon pa lang ay binabati na kita ng Maligayang Pasko :-)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)