Mga Pahina

Huwebes, Abril 11, 2013

HAPPY GRADUATION :-)


                    Naalala mo pa ba ang unang pagtapak ng iyong mga paa sa Unibersidad kung saan tayo nagkakilala?
       
          Tanda ko pa ang unang araw ko bilang isang kolehiyala. Maaga akong pumasok, siyempre first day of class kaya excited ako. Pero lagi na akong late noong mga sumunod na araw.hahahaha. Sa totoo lang pasaway talaga ako :)))))))))). Hindi naging madali sa akin ang pagtahak sa kursong aking pinili. Noong una tinatanong ko ang aking sarili, bakit ba education ang pinili kong kurso gayong noong bata ako ay hindi sumagi sa aking isipan ang magturo. Parang kailan lang tinanong ni tita kong ano ang kukunin kong kurso sa kolehiyo. " Dianne antoy laen mun course? man teacher ka?" tanong ni tita ko. Ageh, agko gabay so manbangat, agko gabay so mansulat ed blackboard, agko kabay so manggawa ya Lesson Plan. Agko ni antay laen kon course." ang sagot ko sa kanya. Pero education din pala ang bagsak ko :)))Pinamili ako nang aking mga magulang kong anong kurso ang kukunin ko at saan ako mag-aaral. Pwede naman akong magnursing kaso may phobia ako sa dugo at ayokong magdisect ng palaka. Hindi naman ako pwedeng magCRIMINOLOGY dahil kulang ako sa height at takot ako sa mga eksenang bugbugan at hahabulin ung magnanakaw. Accountancy......Marahil ay nakatadhana na talaga na ako'y maging guro :-)Tulad ng isang normal na estudyante dumaan din ako sa butas ng karayom bago ko makamit ang tagumpay na aking ninanais. Nariyan ang mga tambak na gawain na kailangan kong tapusin , mga mahihirap na exams at mga terror na professor. Aminado ako noong 1st year first sem di talaga ako nag-aaral nang mabuti. Hindi ako nagrereview at hindi ako masiyadong focus sa studies ko. Pero nang dumating ang second sem sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong magseryoso sa pag-aaral, tama na ang sobrang drama kailangan kong pagbutihan ang lahat.

        Mamimiss ko ang College Life! :( .Marami akong memorable moments sa University of  Luzon. Hindi ko makakalimutan ang unang taon ko sa kolehiyo. Nagchampion ako sa Vocal Solo at hindi lang yan nagstanding ovation pa ang mga audience during my performance :-)))))))). Noong second year naman ay sumama ako sa basketball girls. I love sports eh kaya tuwing intrams sumasama ako sa laro...naalala ko pa noong first year college ako, sumama kami ni Mau sa table tennis kahit di naman kami ganoon kagaling. Noong second year din nagkaroon ng 7 wonders of the world sa klase namin. Hehehehehe. Noong 3rd year naman ay nabuo ang KKF (Kabit Kabit Family). Mula sa simpleng biruan sa ponsyaan....PONSYAAN TALAGA??hahaha, kina Camiel ay nabuo ang isang pamilya. Isang pamilya na walang ginawa kundi ang magtraydoran ng harap harapan..hehehe. Noong 4th year first sem ay nasubukan kong maging baliw nang ilang minuto noong ako ay nagmonologo. Nasaan siya, nakita mo ba siya? Nasaaan si mayor?!hahahahah. Siyempre di ko rin makakalimutan ang pagiging STUDENT TEACHER ko dahil isa ito sa mga nagpakita sa akin na masaya pala ang maging guro at isa pa nakilala ko si Choco hahaha,,,may ganun???

        Mamimiss ko ang KKF, ang libre ni Von, ang asaran namin ni kuya Marko, ang Bicol express at Lechon  kawali ng  La Cantina, ang halakhakan, ang tsibugan sa klase namin sa major, ang pagkukwento ni mam Lanuza at ang makata kong guro na si ginoong Daguison. Mam Lanuza ,sayang wala kayong facebook di niyo tuloy mababasa ito.hehehe. Salamat dahil naniwala kayo sa aking kakayahan at naging ina kayo sa aming mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino. At sorry kung lagi akong late sa major. ...hehehehe.  Ginoong Daguison ako ay labis na nagpapasalamat sa inyo pagkat kami ay inyong pinanday. Kayo ay hinahangaan ko pagdating sa pagtuturo dahil tunay naman talaga na kayo ay napakahusay.

        Tommorow is the BIG day , yehey graduation na :)))))) Lord thank you for everything .Thank You for giving me wisdom, strength and for guiding me throughout my journey.  I also want  to express my gratitude to my parents. Thank you for all the sacrifices that you made for me. Thank you because you always there for me especially in financial aspect. hehehehe.. I dedicate my award to GOD and to my parents. And to all my professors, thank you for imparting your knowledge to us. HAPPY GRADUATION :-))))))

Biyernes, Enero 25, 2013

Ubas



 Ubas

Huwag mayamot sa kandila,
Kung sa apo’y nito’y napaso ka.
Wag hayaang paso’y lumala,
Datapwat gamutin ng di lumubha.

Hayaang ito’y  maging gabay,
Habang ika’y naglalakbay.
Masukal na daan ang tinatahak,
Kaya dapat matalas ang dalang itak.

Isang hakbang na lang at,
Matatagpuan na ang hinahanap.
Ngayon ka pa ba aatras?
Gayong malapit ng makamit ang ubas.






Biyernes, Disyembre 7, 2012

Pasko na naman :-)


Magpapasko na naman, uso na naman ang pagkanta ng We wish you a Merry Christmas at Ang pasko ay sumapit. Nariyan na naman ang mga batang gabi-gabi nangangaroling sa bawat bahay. Naglipana na naman ang mga makukulay na parol at ang mga kumukutitap na Christmas lights sa bawat bahay.(oops, wag kang bumili ng lokal na Christmas lights, delikado ito, baka masunog ang bahay mo.) Malamang nagtitipid sa kuryente ang kapitbahay mo kung wala kang makikitang Christmas lights sa kanilang bahay. Marahil ay abala na naman ang iba sa pagsasabit ng medyas sa bintana. Umaasa silang baka magkaroon ito ng laman kinabukasan. Siguradong marami na namang  bata ang nag-aabang kay Santa Claus at sa kanyang mga regalong nakalagay sa sakong puti. Nalalapit na naman ang simbang gabi,nanabik na naman ang mga  magkasintahang walang ginawa kundi ang magdate sa loob at labas ng simbahan sa halip na misa de gallo, ito ay nagiging misa de gala. Kunwari nakikinig sa sermon ng pari yun naman palay nakikipagharutan sa kanyang katabi. Nagkalat na naman sa labas ng simbahan ang mga tindera ng puto bumbong at bibingka. Masaya na naman ang mga inaanak dahil tiyak na may matatanggap silang aginaldo o regalo sa kanilang mga ninong at ninang.Samantala malas naman ng mga batang may barat na ninong at ninang. (sensya na sa mga inaanak ko :-), wala pang trabaho ang ninang niyo.) 

Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko? Ipinagdiriwang natin ang pasko dahil sa ating Panginoon. Siya ang dahilan kung bakit may pasko :-). Hindi natin ipinagdiriwang ang pasko dahil kay Santa o dahil sa anumang bagay. Si Jesus lang at wala ng iba pa.  Siyempre kung may Christmas party at exchange gift eh siguradong ang bawat isa sa atin ay may Christmas wish list. Sabi ng iba kapag nakumpleto mo raw ang simbang gabi tiyak na matutupad ang kahilingan mo. Pero kung ako ang tatanungin, hindi ako naniniwala. Wala naman silang sapat na basehan dito. Tsaka paano yong mga taong may sakit at hindi nakapagsimbang gabi? paano yung mga taong hindi nakapagsimbang gabi dahil may trabaho? Lahat naman ng atiing hilingin ay maaring matupad basta manalig at maniwala lang tayo sa Diyos :-). Gaya ng ibang tao mayroon din akong mga hiling. Sana gumaling na ang aking ama at ang aking kapatid. Sana maging maayos na ang lahat at sana wala ng gulo at krimen.Sana lahat tayo ay mamuhay nang maligaya at walang galit sa puso. Sana araw-araw ay pasko :-).Bawal ang negatibong vibes sa pasko, dapat panatilihin nating maging positibo sa buhay nang sa gayon ay maging maayos ang takbo ng ating pamumuhay. Mahalin natin ang ating kapwa at tulungan ang mga  taong nangangailangan. Sabi nga nila its better to give than to recieve. Kaya huwag kayong mag-alinlangan na magbigay sa mga nangangailangan. Teka,,nakabili ka na ba ng regalo??? nabalutan mo na ba ito?? Ooops,,huwag mong kalilimutan ang regalo ko ah.. :-).  Ngayon pa lang ay binabati na kita ng Maligayang Pasko :-)

Martes, Oktubre 9, 2012

Salamat Jesus :-)


Salamat Jesus J

Nakangiti sa madla
Kahit may problema
Naniniwalang makakaya
Manalig lang sa Kanya

Mundo ko ay nag-iba
Nang Siya ay makilala
Buhay ko ay sumigla
Nagkaroon ng pag-asa

Salamat sa Iyong paggabay
Tagumpay ko’y sa Iyo inaalay
Malayo man ang malakbay
Sa puso’y di ka mawawalay

Salamat Jesus at Ika’y nariyan
Di ako iiwan magpakailanman
Di hangad ang salapi o kayamanan
Ikaw lang ang aking kailangan

Salamat sa magandang bukas
Pananalig ko sayo’y di kukupas
Jesus, Ikaw ang tangi kong tagapagligtas
Pagmamahal Mo sa akin ay walang katumbas







Miyerkules, Setyembre 5, 2012

Ako pa ba ang dating ako?


Ako pa ba ang dating ako?

Ako pa ba ang dating ako?
Ako pa ba ang batang kilala mo?
Ako pa ba’y nakikilala mo?
Ako pa ba ito ?

Ako pa ba siya?
Ako pa ba ang taong iyon?
Ako pa ba ang taong iyan?
Ako pa ba  ang dating ako?

Ako pa ba ang dating anak mo?
Ako pa ba ang dating estudyante mo?
Ako pa ba ang dating kababata mo?
Ako pa ba ang dating ako?